May dalawang (2) bagong kaso po tayo ngayong gabi na Covid19 positive. At may malungkot na balita po na sina Patient No. 227 mula sa Brgy. Poblacion West at Patient No. 286 mula sa Brgy. Bantug ay binawian ng buhay dahil sa salot na virus.  Ang ating taus pusong panalangin at pakikiramay po sa buong pamilya ng ating mga minamahal kababayan.

2 new active cases (Patient Nos. 329 at 330)
2 new death cases (patient nos. 227 at 286)
2 new recovered cases
109 active cases
13 death cases
208 total recovered cases
330 total confirmed cases

Sa patuloy na pagdami ng ating kaso, lahat po tayo ay makipagtulungan. Kulang po ang pwersa ng ating awtoridad upang lahat ay mabantayan at sa tingin po natin ay hindi kailangang sumunod dahil lamang may batas o may huli, mas mainam po sumunod dahil mahal natin ang ating sarili at ating mga pamilya. Gayundin po sa mga nagpapatupad na maging ehemplo po tayo sa pagsunod.

Muli, MANATILI SA MGA TAHANAN KUNG WALANG IMPORTANTENG GAGAWIN SA LABAS.

I-check po natin ito palagi:

✅Face mask
✅face shield
✅social distancing
✅hands sanitation
✅alamin ang tamang impormasyon

Para po sa mga katanungan ay maaaring mag-email sa scmchocovidteam@yahoo.com o tumawag sa landline number 044 9506748 (8:00 am to 4:00 pm).