Mataas na naman po ang bilang ng ating ngpositibo sa Covid-19! Dalawampu (20) ang reported new cases ngayong araw.

Mga kababayan, sobrang mag-ingat po tayong lahat! Magtulungan po tayo! Napahirap po magkasakit at lalo higit ang mawalan ng mahal sa buhay!

20 new active cases (Patient Nos. 342 to 361)
6 new recovered cases
125 active cases
13 death cases
223 total recovered cases
361 total confirmed cases

Sa patuloy na pagdami ng ating kaso, lahat po tayo ay makipagtulungan. Kulang po ang pwersa ng ating awtoridad upang lahat ay mabantayan at sa tingin po natin ay hindi kailangang sumunod dahil lamang may batas o may huli, mas mainam po sumunod dahil mahal natin ang ating sarili at ating mga pamilya. Gayundin po sa mga nagpapatupad na maging ehemplo po tayo sa pagsunod.

Muli, MANATILI SA MGA TAHANAN KUNG WALANG IMPORTANTENG GAGAWIN SA LABAS.

I-check po natin ito palagi:

✅Face mask
✅face shield
✅social distancing
✅hands sanitation
✅alamin ang tamang impormasyon

Para po sa mga katanungan ay maaaring mag-email sa scmchocovidteam@yahoo.com o tumawag sa landline number 044 9506748 (8:00 am to 4:00 pm).