Bagamat mataas po muli ang bilang ng ating recovered cases ngayong araw na 11 recovered cases ay malungkot na balita na si Patient No. 336 ng Brgy. Rizal ay sumakabilang buhay po dahil sa sakit ng Covid-19.  Ang ating panalangin at pakikiramay sa buong pamilya po.

2 new active cases (Patient Nos. 366 at 367)
11  recovered cases
1 new death case
106 active cases
14 death cases
247 total recovered cases
367 total confirmed cases

Sa patuloy na pagdami ng ating kaso, lahat po tayo ay makipagtulungan. Kulang po ang pwersa ng ating awtoridad upang lahat ay mabantayan at sa tingin po natin ay hindi kailangang sumunod dahil lamang may batas o may huli, mas mainam po sumunod dahil mahal natin ang ating sarili at ating mga pamilya. Gayundin po sa mga nagpapatupad na maging ehemplo po tayo sa pagsunod.

Muli, MANATILI SA MGA TAHANAN KUNG WALANG IMPORTANTENG GAGAWIN SA LABAS.

I-check po natin ito palagi:

✅Face mask
✅face shield
✅social distancing
✅hands sanitation
✅alamin ang tamang impormasyon

Para po sa mga katanungan ay maaaring mag-email sa scmchocovidteam@yahoo.com o tumawag sa landline number 044 9506748 (8:00 am to 4:00 pm).