As of May 19, 2020, 6:00 PM, Wala parin pong naitala na kaso ng Covid19 sa Science City of Munoz!

Sa kabila nito, mula sa impormasyon galing sa ating City Health Office, ang ating lungsod po ay may naitala ngayong araw ng panibagong kaso ng PUI under Suspected Category sa kasalukuyan.

– Ang isa (1) po na BAGONG KASO ng PUI (Suspected category) ay 35 anyos na pumanaw po sa isang hospital na may diagnosis na Community Acquired Pneumonia-HR, chronic myelogenous leukemia Covid19 suspect. Natest at hinihintay ang resulta at minomonitor din po ang mga nakasalamuha.

– Ang dating isa (1) po na PUI (Suspected category) ay mayroong bronchial asthma. Natest na po at naghihintay parin po ng resulta ng Covid19 swab test. Siya po ay kasalukuyan pa rin na nananatili sa ating Isolation Facility at mahigpit na binabantayan ng ating health workers.

– at ang dating isa (1) po na PUI (Suspected category), 84 anyos, ay pumanaw po noong Mayo 10 sa isang hospital na may diagnosis na considered brain injury secondary to fall, Aspiration Pneumonia, Hypertension Stage 2, Chronic Kidney Disease (CKD), Bronchopneumonia. Binabantayan o minomonitor din po ang mga nakasalamuha.

MULI PO, MANATILI PO TAYO SA ATING MGA TAHANAN AT ISTRIKTONG SUNDIN ANG MINIMUM HEALTH STANDARDS LABAN SA COVID19!