Marami na naman pong tayong naitala ngayong araw na mga bagong kaso bagamat marami din recoveries. Bukod po dito, may isa na naman tayong nakakalungkot na balita na hatid. Si Patient No. 363 mula Brgy. Palusapis ay sumakabilang buhay napo dahil sa sakit na COVID-19! Mag-alay po tayo ng samasamang panalangin at pakikiramay sa pamilya po ng ating kababayan.

Paglilinaw din po na si Patient No. 367 mula Brgy. Bantug ay isang babae. Ang aming paumanhin po.

24 new active cases (Patient Nos. 368-391)
13 new recovered cases
1 new death case
116 active cases
15 death cases
260 total recovered cases
391 total confirmed cases

Sa patuloy na pagdami ng ating kaso, lahat po tayo ay makipagtulungan. Kulang po ang pwersa ng ating awtoridad upang lahat ay mabantayan at sa tingin po natin ay hindi kailangang sumunod dahil lamang may batas o may huli, mas mainam po sumunod dahil mahal natin ang ating sarili at ating mga pamilya. Gayundin po sa mga nagpapatupad na maging ehemplo po tayo sa pagsunod.

Muli, MANATILI SA MGA TAHANAN KUNG WALANG IMPORTANTENG GAGAWIN SA LABAS.

I-check po natin ito palagi:

✅Face mask
✅face shield
✅social distancing
✅hands sanitation
✅alamin ang tamang impormasyon

Para po sa mga katanungan ay maaaring mag-email sa scmchocovidteam@yahoo.com o tumawag sa landline number 044 9506748 (8:00 am to 4:00 pm).