Nadagdagan muli ng 21 bagong positibong kaso ng COVID-19 sa ating lungsod! At isa na naman nating kababayan na si Patient No. 315 mula sa Brgy. Villa Cuizon ang binawian ng buhay dahil sa virus na ito. Ang ating taus-pusong pakikiramay sa mga naulila ng ating minamahal na kasamahan.

Mga kababayan, may mga batas po tayo at maigting na alituntunin sa safety protocols. Kailangan natin magtulong tulong na sundin ito. Hamak dami natin kumpara sa mga nagpapatupad nito. Magsimula po tayo sa ating mga sarili. At sa mga awtoridad ay maghigpit tayong lahat at tayo po ang maging huwaran!

21 new active cases (Patient Nos. 398 – 418)
1 new recovered case
1 new death case
126 active cases
16 death cases
276 total recovered cases
418 total confirmed cases

Muli, MANATILI SA MGA TAHANAN KUNG WALANG IMPORTANTENG GAGAWIN SA LABAS.

I-check po natin ito palagi:

✅Face mask
✅face shield
✅social distancing
✅hands sanitation
✅alamin ang tamang impormasyon

Para po sa mga katanungan ay maaaring mag-email sa scmchocovidteam@yahoo.com o tumawag sa landline number 044 9506748 (8:00 am to 4:00 pm).