As of May 24, 2020, 9:00 PM, Wala parin pong naitatala na kaso ng Covid19 sa ating lungsod, Science City of Munoz!

Ayon po sa ating City Health Office (CHO), ang naitalang kaso ng tatlong (3) PUIs po natin (1 asthma patient at 2 hospital deaths) ay nagnegatibo po sa isinagawang test.

Sa kabila nito, mayroon po tayong isang (1) panibagong kaso ng PUI under Suspected Category. Siya po ay isang trabahador mula sa Tarlac at kasalukuyan na nananatili sa ating Isolation Facility at mahigpit na binabantayan ng ating health workers.

Samantala, tumataas po muli ang bilang ng ating PUMs dahilan sa mga locally stranded individuals o LSIs na bumabalik sa ating lungsod at mga nagbibiyahe mula sa mga lugar na may naitalang kaso ng Covid19. Kung kaya’t pakiusap po natin hangga’t maaari ay “stay where you are” po muna tayo. Konting tiis pa po mga kababayan.

Maraming salamat po! God bless us all!



45 out of 55 confirmed cases ang naka recover na mula sa COVID-19 dito sa Nueva Ecija.

Base sa datos ng DOH-NE as of today May 24, 2020 nadagdagan ng dalawa ang bilang ng naitalang gumaling na pasyente.

Kinilala ang mga ito na sina patient #44, 49 years na babae, residente ng Bakod Bayan, Cabanatuan City at na admit sa Dr. PJGMRMC habang si patient # 48 naman ay 24 na taong gulang na babae, taga Bangad, Cabanatuan, isang medical technologist at na admit sa Bataan General Hospital and Medical Center.