Kahapon po ay wala tayong positibong naitala, akala po natin ay magtutuloy tuloy ito, ngunit ngayon ay mayroon ulit na 20 na bagong kaso ng COVID-19.

Mayroon po tayong namayapa na kalungsod na si Patient No. 442 mula Brgy. Bantug. Ang ating taus pusong pakikiramay po sa pamilya ng ating kababayan.

Malaking bagay din po na ang ating lungsod ay may testing o swabbing. Dito natin nalalaman at matutugunan ang mga pangangailangan ng ating lungsod.

Mga kababayan, may mga batas po tayo at maigting na alituntunin sa safety protocols. Kailangan natin magtulong tulong na sundin ito. Hamak dami natin kumpara sa mga nagpapatupad nito. Magsimula po tayo sa ating mga sarili. At sa mga awtoridad ay maghigpit tayong lahat at tayo ang maging huwaran!

20 new active cases (Patient Nos. 441-460)
8 new recovered cases
1 new Death case
121 active cases
18 death cases
321 total recovered cases
460 total confirmed cases

Muli, MANATILI SA MGA TAHANAN KUNG WALANG IMPORTANTENG GAGAWIN SA LABAS.

I-check po natin ito palagi:

✅Face mask
✅face shield
✅social distancing
✅hands sanitation
✅alamin ang tamang impormasyon

Para po sa mga katanungan ay maaaring mag-email sa scmchocovidteam@yahoo.com o tumawag sa landline number 044 9506748 (8:00 am to 4:00 pm).