Napakalungkot po na balita, labing siyam (19) po ang reported na Covid-19 positive cases ngayong araw! Pinakamataas po ito na naitala sa isang araw sa ating lungsod. Seryosohin po natin ito!

19 new cases (Patients No. 235 to 253)
5 new recovered cases
73 active cases
7 death cases
173 total recovered cases
253 total confirmed cases

❗️sa patuloy na pagdami ng ating kaso, lahat po tayo ay makipagtulungan. Kulang po ang pwersa ng ating awtoridad upang lahat ay mabantayan at sa tingin po natin ay hindi kailangang sumunod dahil lamang may batas o may huli, mas mainam po sumunod dahil mahal natin ang ating sarili at ating mga pamilya. Gayundin po sa mga nagpapatupad na maging ehemplo po tayo sa pagsunod.

Muli, MANATILI SA MGA TAHANAN KUNG WALANG IMPORTANTENG GAGAWIN SA LABAS.

I-check po natin ito palagi:

✅Face mask
✅face shield
✅social distancing
✅hands sanitation
✅alamin ang tamang impormasyon

Para po sa mga katanungan ay maaaring mag-email sa scmchocovidteam@yahoo.com o tumawag sa landline number 044 9506748 (8:00 am to 4:00 pm).