Labinlima (15) na bagong Covid-19 positive cases ang reported ngayong araw. Ito ay resulta na din ng testing na halos araw araw na ginagawa ng ating mga magigiting na frontliners. Sana po ay matapos na ito at ang lahat ay bumalik na sa normal.

15 new cases (Patients No. 270 to 284)
2 new recovered cases
98 active cases
7 death cases
179 total recovered cases
284 total confirmed cases

Paglilinaw din po, si Patient No. 264 ay 82 years old po at hindi 33. Ang amin pong paumanhin.

Sa patuloy na pagdami ng ating kaso, lahat po tayo ay makipagtulungan. Kulang po ang pwersa ng ating awtoridad upang lahat ay mabantayan at sa tingin po natin ay hindi kailangang sumunod dahil lamang may batas o may huli, mas mainam po sumunod dahil mahal natin ang ating sarili at ating mga pamilya. Gayundin po sa mga nagpapatupad na maging ehemplo po tayo sa pagsunod.

Muli, MANATILI SA MGA TAHANAN KUNG WALANG IMPORTANTENG GAGAWIN SA LABAS.

I-check po natin ito palagi:

✅Face mask
✅face shield
✅social distancing
✅hands sanitation
✅alamin ang tamang impormasyon

Para po sa mga katanungan ay maaaring mag-email sa scmchocovidteam@yahoo.com o tumawag sa landline number 044 9506748 (8:00 am to 4:00 pm).