Mga kababayan, isang malungkot na balita po muli ang ating pabatid dahil sa panibagong kaso ng Covid19 sa ating lungsod na kikilalanin nating si Patient No. 9, lalaki na 40 anyos na residente ng Brgy. Poblacion East. Sa kasalukuyan ay nasa Isolation Facility po ang ating kababayan.
Samantala ay nagsasagawa po ng contact tracing ang ating lokal na pamahalaan sa mga nakasalamuha ni Patient No. 9.
Covid19 data/status as of October 11, 2020:
Confirmed case: 9 (5 recovered at 4 na active)
Probable: 0
Suspected: 0
Current PUM: 457

