Para po sa kaalaman ng ating mga kababayan, ngayong araw po, ang ating lungsod ay may naitala na 2 na bagong kaso ng Covid19 na kikilalanin nating si Patient No. 10 at Patient No. 11.

Si Patient No.10, babae na 63 anyos ay isang health worker mula sa Brgy. Poblacion North. Samantalang si Patient No. 11 na lalaki na may edad 50 anyos at mula sa Brgy. Bantug ay isang government employee.

Sila po ay kasalukuyang naka-isolate at mahigpit na minomonitor sa kani-kanilang tahanan habang nagsasagawa ng contact tracing sa kanilang mga nakasalamuha.

Mga kababayan, patunay lamang ito na sinuman ay maaaring madapuan ng Covid19 kung kaya’t tayo ay patuloy at mas mahigpit na mag-ingat.

HUWAG PO NATING IPAGWALANG BAHALA ANG SAKIT NA ITO.

MAG-INGAT PO TAYONG LAHAT!