Isang malungkot na balita po muli ang ating pabatid sa ating mga kababayan.

Ngayong araw, October 18, 2020 ay mayroon po tayong naitala na 3 bagong kaso na positibo sa Covid19 na kikilananin nating sina Patient No. 12, Patient No. 13 at Patient No. 14.

Patient No. 12
Babae, 41 anyos na residente ng Brgy. Villa Isla. Siya po ay isang government employee. Wala ding sintomas at kasalukuyang nasa Isolation Facility.

Patient No. 13
Babae, 50 anyos na residente ng Brgy. Poblacion South. Siya po ay isang government employee. May travel history sa Pampanga. Wala ding sintomas at kasalukuyang nasa Isolation Facility.

Patient No. 14
Babae, 49 anyos na residente ng Brgy. Bantug. Siya po ay isang negosyante na may travel history sa Cabanatuan City. Wala din sintomas ngunit may comorbidity na diabetes mellitus at kasalukuyang naka-strict home quarantine.

Ang ating lokal na pamahalaan ay nagsimula na at patuloy ang contact tracing sa mga nakahalubilo nila Patients 12,13 at 14.

Mga kababayan, ang ating pakiusap po na WALA PO SANANG DISKRIMINASYON SA ATING MGA POSITIBONG KABABAYAN MAGING SA KANIKANILANG PAMILYA. WALA SINUMAN ANG MAY GUSTO PO NITO. Bagkus tayo ay magsamasamang manalangin upang mawala na ang pandemya at manumbalik sa normal ang ating pamumuhay.

Unti-unti man binubuksan ang ekonomiya para sa ating kabuhayan ay huwag nating kalimutan na ang virus ay nasa ating paligid. Mag-ingat tayong lahat at mahigpit na sundin ang standard health protocol.