Para po sa kaalaman nating lahat, may isang malungkot na pabatid po tayo ngayong araw. Muli ay nakapagtala po tayo ng isang panibagong kaso ng Covid19 sa ating lungsod.

Siya po na tatawagin nating si Patient 7 ay senior citizen na lalaki, edad 70 anyos mula sa Brgy. Poblacion East. May sintomas ng hirap sa paghinga at sakit sa dibdib kung kaya’t dinala sa ospital at doon naswab at kahapon nga ay nagpositibo sa sakit na Covid19.

Nagsimula na din pong iquarantine ang pamilya at mga kalapit bahay ng pasyente.

Muli po kababayan ang ating mahigpit na paalala sa ating mga minors at senior citizens na iwasan hangga’t maaari ang paglabas ng tahanan.