Pagbati po sa ating minamahal na kababayan!

Muli ay isang malungkot na balita po para sa ating mga taga Science City of Munoz ang ating parating ngayong araw. Ang ating Lungsod po ay may 3 na bagong naitala na kaso ng Covid-19.

Ang unang dalawang kaso po dito na kikilananin nating si “Patient 3 “at “Patient 4 “ay mag-asawa mula sa Brgy. Maligaya. Sila po ay mahigpit na minomonitor at naka strict home quarantine.

Samantalang ang ikatlong kaso po na kikilalanin nating si ” Patient 5 ” mula sa San Felipe, ay isang kawani ng gobyerno na naka-isolate na din po.

Ang ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating City Health Office ay kasalukuyang nagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng ating mga kababayan.

Sa kasalukuyan ay mayroon po tayong:

Active case : 4
Recovered case : 1
Total PUM : 6,765
Current PUM: 243
Total graduated PUM: 6,522

Pakiusap po natin na huwag munang lumabas sa ating mga tahanan habang ginagawa ang contact tracing at ibayong pag-iingat po ang ating paigtingin.

Magsasagawa na din po ng disinfection sa lahat ng mga pasilidad na mga napuntahan ng mga kababayan natin.