Covid19 update po tayo ngayong araw.

Nais po nating iparating na recovered na po ang ating Patients 2,3,4 at 5 na nagpositibo sa Covid19. Maraming salamat po sa sama-sama nating panalangin.

Ngunit mayroon po tayong isang bagong kaso na kikilalanin nating si Patient 6.

Siya po ay lalaki na 22 anyos mula sa Brgy. Maragol na nagtatrabaho bilang deliveryman sa tindahan ng farm machineries sa ating karatig lungsod San Jose City na may travel history din sa Ilocos Norte.

Ang ating lokal na pamahalaan ay nagsimula na sa contact tracing sa ating bagong kaso.

Muli po ang ating panawagan na wala po sanang maging diskriminasyon sa ating kababayang nagpositibo maging sa mga kaanak at mga kapitbahay.

Mag-ingat po tayong lahat.