Bilang paghahanda sa pagpapabakuna sa ating health workers at frontliners, dumating na ang Covid-19 vaccines na handog ng National Government sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa masigasig na pagtatrabaho ng ating Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D.

Isinagawa rin ang dry run nitong Marso 22, 2021 upang maging handa ang lahat sa anumang pagkakataon o sitwasyon.

Ang unang grupo na babakunahan ay ang ating health workers at frontliners. Bigyan natin sila ng suporta, lakas ng loob, at pasasalamat sa patuloy nilang sakripisyo para sa laban kontra Covid-19. Stay safe and healthy, Muñozonians!

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan