Matinding paghahanda ang hatid ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pagsasagawa ng pinakaunang pagpapabakuna para sa ating health workers at frontliners. Ito ay upang magkaroon ng herd immunity o kawan ng kaligtasan sa sakit ang mga Muñozonian.

Taos-pusong suporta at malasakit ang hatid ng ating butihing Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. sa kanyang pagdalo sa naganap na Covid-19 vaccination. Prayoridad sa pagpapabakuna ang mga magigiting na medical workers sa Rural Health Unit ng Lungsod Agham ng Muñoz, Central Luzon State University Infirmary, iba’t ibang Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) at mga barangay health worker.

Buong pusong nagpapasalamat ang ating pamahalaan sa mga frontliner sa patuloy nilang sakripisyo para matiyak ang kaligtasan ng ating mga mamamayan laban sa Covid-19. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa upang maisagawa nang maayos at ligtas ang nasabing pagpapabakuna. Malalagpasan natin ito nang sama-sama mga kababayan. Stay safe po!

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan