Para sa aming mga lolo’t lola, masayang-masaya po kaming ibalita sa inyo na SINIMULAN na po ang pagbabakuna para sa mga minamahal nating senior citizen. Dumating na po ang araw na aming pinakahihintay kung saan maibabalita namin nang lubos ang pagdating ng isa na namang pag-asa para sa pagpapatibay ng ating depensa laban sa Covid-19! Hindi na po kami makapaghintay na muli kayong makita at mabigyang saya sa pagdating ng ating bakuna.

Dahil sa limitadong numero ng Covid-19 vaccine na ibinigay ng National Government, napagpasyahang ibahagi muna ito sa ating mga senior citizen ng Poblacion North, Poblacion East, Poblacion South, Poblacion West, at Brgy. Bantug. Ang pagpapabakuna pong ito sa ating mga lolo’t lola ay tinitiyak naming maisasagawa nang may lubusang pag-iingat. Higit naming ikatutuwa na patuloy kayong makitang masigla at protektado. Sa laban pong ito, kayo ang aming inspirasyon at lakas. Mahal na mahal po namin kayong lahat.

Sa ating mga kababayan, patuloy tayong mag-ingat at isa puso’t isip ang lahat ng paraan upang ang Covid-19 ay maiwasan at malabanan. Nandito po kami na laging magpapaalala sa inyo na malalagpasan po natin ito nang sama-sama. Hikayatin at tulungan po natin ang mga minamahal nating lolo’t lola upang makakuha ng libreng bakuna. Makipag-ugnayan lamang po sa ating mga Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) para sa mga detalye na kailangan bago makapagparehistro at makapagpabakuna. Mag-ingat po tayong lahat.

Naglilingkod nang lubos at may aksyon,

MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, PH.D.

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan