Bakunado na po ba ang ating mga anak?!

 Para sa nalalapit na pagsisimulang muli ng “face to face classes” ay mahalaga ang kaligtasan ng ating mga minamahal na anak laban sa Covid-19. Ang bakuna ay malaking tulong laban sa Covid-19 para sa ating mga anak.

 Ginanap ang launching ng COVID-19 VACCINATION PROGRAM IN SCHOOLS IN PARTNESRSHIP WITH THE LOCAL COVID-19 VACCINATION PROGRAM OF SCIENCE CITY OF MUÑOZ ngayong araw Hulyo 26, 2022 sa Bantug Elementary School.

 Isang mensaheng punong puno ng inspirasyon ang inihatid ng ating butihing MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at ng ating Schools Division Superintendent na si Dr. Dante Parungao, CESO VI para sa lahat ng magulang, guro, mga kabataang magpapabakuna at sa lahat ng dumalo sa nasabing programa.

 Samantala ang oryentasyon ay pinangunahan naman nina Dr. Mikko S. Wong, Rural Health Physician at Dr. Judith Padilla, OIC City Health Center. Ipinaliwanag nila ang mga maitutulong ng bakuna sa ating mga anak at ang kahalagahan nito. Ang nasabing programa ay mula ngayong araw Hulyo 26, 2022 hanggang Agosto 26, 2022. Huwag po tayong mahihiyang magtanong sa ating Vaccination Team.

 Sa mga hindi pa po bakunado, pwedeng magpabakuna ang mga 5yo pataas, 1st booster shot ang may mga edad na 18 pataas at 2nd booster shot ang mga A1, A2 at Immunocompromised.

 “Prevention is better than cure” kaya ano pa ang hinihintay natin? Ligtas ang may RESBAKUNA!