Isa’t kalahating (1.5km) kilometrong kalsada ng Purok 1B at Purok 4 ng Barangay Catalanacan simentado na! Ito ay isa sa mga proyekto mula pangangalaga sa kalusugan hangang imprastraktura na mula sa pondo ng ating minamahal na Congresswoman Micaela “Mikki” Violago sa pakikipagtulungan sa Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pamumuno ni Mayor Netsor L. Alvarez, Ph.D at ng mga opisyal ng Barangay.

 Patuloy po ang pagpapagawa ng mga kalsada sa ating Lungsod hanggang sa maabot na po natin ang minimithi nating lahat na simentadong kalsada sa buong Lungsod.

 Muli po kaming ngapapasalamat sa walang sawang pakikiisa at paniniwala. Sana’y magpatuloy po ito at sama sama nating abutin ang ating mga pangarap para sa Lungsod Agham ng Munoz.

 Daan para sa pangarap na matuwid!

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan