Marso 9, 2020, isang magandang balita ang ipinamahagi ni Dr. Larry B. Espiritu, Ph.D. ng DepED sa pangunguna ni Dr. Dante G. Parungao kung saan si Mito Noel Bene ng Mangandingay Elementary School ay nanalo bilang second runner up sa Philippine –Japan Friendship Art Contest na naganap nitong Pebrero 27, 2020, kung saan siya ay nakatanggap 100,000 pesos cash prize, trophy, TV set, gamit sa pagpipinta at tour sa Manila Ocean Park. Kagalakan ang hatid nito sa kanyang principal na si Gng. Elvierita O. Paclebare at at sa kanyang coach na si G. Jhon Galera. “Dakilang Lahi” ang titulo ng kaniyang obra maestra na nagbigay karangalan sa kanyang paaralan at sa ating Lungsod, and Lungsod Agham ng Munoz.