Support to Parcelization of Lands for Individual Titling Project (Project SPLIT) ang pangunahing paksa sa naganap na courtesy call sa pagitan ng DAR Cabanatuan sa pangunguna ni Atty. Jomar Z. Eclipse, Legal Officer at ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ nitong Setyembre 16, 2022.

 Barangay Linglingay, Mangandingay at Villa Isla ang napiling lokasyon na may 622 hectares. Ang SPLIT Project ay idinisenyo upang mapabuti ang seguridad sa pag-aari ng lupa at patatagin ang mga karapatan sa ari-arian ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs).

 Inaasahan po ng pamahalaan ang patuloy na matibay at matagumpay na pagkakaisa!