Isang Muñoz na malinis at luntian ang nais ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at nating lahat. Kaya lubos po kaming nagagalak sa naganap na courtesy call nitong Nobyembre 9, 2022 sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz-City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Muñoz at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)- sa pangunguna ni Engr. June M. Mico at Mr. Mark B. Lazaro kung saan kanilang ipinakilala ang ating magigiting na mga RIVER RANGERS na sina Mr. Fitz Gerald G. Nery, Mr. Gilmer Franz P. Mangalindan, Ms. Maria Cielo V. Samatra at Mr. Paulo Samantra at kanilang tinalakay ang mga aktibidad sa ating mga barangay na kanilang patuloy na ginagawa sa araw araw, ang Clean-Up Drive, Water Way Patrolling, Information and Education Campaign at Solid Waste Management Monitoring.
Ang programang ito ay sakop ng Manila Bay rehabilitation Program na may layunin na linisin, ayusin, at pangalagaan ang Bay, at ibalik at panatilihin ang tubig nito sa antas ng Class SB – kung saan maaring malanguyan, skin diving, at iba pang mga anyo ng contact recreation. Ang ating Ilog Baliwag ay kadugtong ng Manila Bay kaya’t bago umabot ang tubig sa Manila Bay ay kailangang lilinisin na ang ilog.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong kadakilaan at sa paglilinis ng mga daluyan ng tubig at ng ating lungsod agham. Saludo po kami sa inyo!
Sa abot po na makakaya ng ating mahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ay gagawin niya ang lahat para sa tuloy-tuloy na malinis at luntiang LUNGSOD AGHAM NG MUÑOZ. Pagkakaisa nag daan patungo sa mas magandang kinabukasan.
