“With great power comes great responsibility”. Mga kataga ng isa sa ating superhero na si SPIDERMAN mga katagang naglalaman na kung may kakayahan kang gumawa ng isang bagay, siguraduhin mong ginagawa mo ito para sa ikabubuti ng iba.

 Naganap ang isang makabuluhang DEPED NIGHT sa pangunguna ni Schools Division Superintendent Dr. Dante G. Parungao, CESO V kagabi, January 6, 2023 sa ating Pag-Asa Gymnasium na may temang SUPERHERO. Mga Ma’am at Sir, hindi nyo na po kailangan magcostume sapagkat kayo ay isa sa mga superhero ng ating mga kabataan at mamamayan. Tulad ng ating SUPER TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at SUPER VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ ay walang sawa po kayong tutumutulong para sa ikauunlad at ikagaganda ng ating mahal na lungsod.

 Isang mensaheng punong puno ng inspirasyon ang nagmula kay Ms. May B. Eclar, Phd, CESO III, Regional Director of DepEd Region III at Vice President Sara Z. Duterte na siyang ibinahagi ni Dr. Dante Parungao para sa lahat ng dumalo. Pagkatapos nito ay naganap ang paggawad sa ating mga retiree sa kanilang pagsesrbisyo at paglilingkod ng tapat at may husay sa ating mga mag-aaral, sa DepEd at sa ating lungsod sa abot ng kanilang makakaya sa loob ng ilang taon.

 Dumalo din sa nasabing masaya at masiglang programa sina Coun. Vincent DV. Alvarez, Former Coun. Rodney S. Cabrera, Coun. Jerry Fulgencio at iba pa. Kitang kita sa mata ng bawat isa ang saya at pagkakaisa.