Nilagdaan na ngayong araw, February 17, 2021, ang Joint Venture Agreement (JVA) sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. At ng Nueva Ecija Renal Center, Inc., sa pamumuno ni Dra. Jocelyn Cobankiat-Adducul upang bigyang daan ang minimithing pagbubukas at operasyon ng ating Dialysis Center na matatagpuan sa Brgy. Rizal, Science City of Muñoz.

Dahil dito, inaasahan na nitong darating na buwan ng Abril 2021 ay magsisimula na ang operasyon ng nasabing pasilidad na isa sa mga prayoridad na programang pangkalusugan ng ating Punong Lungsod na isang malaking tulong upang maibsan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan dahil sa kaakibat nitong libreng dialysis.

#ALagangAlvarez
#TatakALVAREZ