PANOORIN: Ayon kay DILG Philippines Undersecretary Jonathan E. Malaya, kailangan lamang ng stranded individual ng medical certificate at travel authorization upang payagang makauwi sa kani-kanilang lalawigan.

Ang medical certificate ay maaaring makuha mula sa lokal na health office ng munisipalidad o lungsod. Nakasaad dito na ang isang indibidwal ay hindi suspected, probable, o positibong kaso ng COVID-19.

Pagkatanggap ng nasabing certificate, magtungo lamang sa isang istasyon ng Philippine National Police kung saan makukuha ang travel authorization. Mayroong mga helpdesk sa iba’t ibang istasyon ng pulisya sa buong bansa para sa mga stranded na Pilipino.

#COVID19PH
#LagingHandaPH
#workingPCOO
#WeHealAsOne