Ipinagpatuloy kahapon, Abril 17, 2020 ang pamamahagi ng financial aid mula sa Social Amelioration Program (SAP) Bayanihan Fund: Tulong Laban sa Covid-19 ng national government sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Pinangunahang muli ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ang distribusyon ng halagang Php6,500 sa mga kwalipikadong benepisaryo na malaking tulong pambili ng pagkain, gamot at iba pang mahalagang pangangailangan sa panahon ng ECQ o maaaring gamitin panimula sa maliit na negosyo.

Ang mga barangay na napamahaginan ay ang mga sumusunod:

Bical

Gabaldon

Rang-ayan

Villa Cuizon

Villa Isla

Villa Santos

Calabalabaan

San Antonio

Labney

Calisitan

Muli pong ipagpapatuloy ang pamamahagi sa mga susunod na mga araw.