Sa pagpapatuloy ngayong araw, Abril 20, 2020 ng pamamahagi ng financial aid mula sa Social Amelioration Program (SAP) Bayanihan Fund: Tulong Laban sa Covid-19 ng national government sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang mga barangay na napamahaginan ay ang mga sumusunod:

Franza

Poblacion South

Poblacion North

Maragol

Poblacion East

Licaong

Villa Nati

Matingkis

Linglingay

Sapang Cawayan

Pinangunahang muli ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ang distribusyon ng halagang Php6,500 sa mga kwalipikadong benepisaryo na malaking tulong pambili ng pagkain, gamot at iba pang mahalagang pangangailangan sa panahon ng ECQ o maaaring gamitin panimula ng maliit na negosyo.

Bukas po ipagpapatuloy ang pamamahagi ng SAP cash aid sa mga natirang mga barangay sa ating lungsod.