Ipinagpatuloy muli kahapon at ngayong araw, Abril 21 at 22, 2020 ang pamamahagi ng financial aid mula sa Social Amelioration Program (SAP) Bayanihan Fund: Tulong Laban sa Covid-19 ng national government sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang halagang natanggap ng mga kwalipikadong benepisaryo ay Php6,500 na maaaring gamitin pambili ng pagkain, gamot at iba pang mahalagang pangangailangan sa panahon ng ECQ o maaaring gawing puhunan panimula sa maliit na negosyo.

Personal din na dinadalaw ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ang mga barangay kasabay ng distribusyon upang tugunan din ang iba pang mga pangangailan ng ating mga kababayan.

Ang mga barangay na napamahaginan kahapon ay ang mga sumusunod:

Maligaya

Catalanacan

Bagong Sikat

Magtanggol

Poblacion West

Samantala, pinagpatuloy naman ngayong araw ang distribusyon sa:

Poblacion West (pinagpatuloy ang hindi natapos kahapon)

Palusapis

Bantug

Ipagpapatuloy po bukas ang pamamahagi sa mga hindi natapos sa Brgy. Bantug.

Samantala, kasalukuyan na po ulit nag-iikot at navavalidate o nagrerevalidate ang mga empleyado ng DSWD kasama ang mga opisyales ng barangay para sa iba pang mga kwalipikadong benepisaryo.