Abril 16, 2020 – Sinimulan na sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ang distribusyon o pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) Bayanihan Fund: Tulong Laban sa Covid-19 na mula sa national government sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang mga kwalipikadong benepisaryo na naitala sa bawat barangay ng Science City of Muñoz ay makakatanggap ng halagang Php6,500.00 na ayon sa naitakda ng DSWD sa buong Region III.

Ang mga barangay na nakatanggap ng SAP cash aid ngayon araw ay ang mga barangay ng:
✅Pandalla
✅Naglabrahan
✅Curva
✅Balante
✅Cabisuculan
✅San Andres
✅San Felipe
✅Rizal
✅Mapangpang at
✅Mangandingay.

Magpapatuloy po ang distribusyon sa iba pang barangay bukas at sa mga susunod na mga araw.