Dzai! Napanuod po ba ninyo ang mga naggagandahan nating Kandidata ng kauna unahang DIWATA NG KALIKASAN NUEVA ECIJA 2023 na naganap nitong January 16, 2023 sa ating Pag-Asa Gymnasium. Pak na Pak ang kanilang beauty at kanilang confidence sa pagrampa at pagpapakita ng kanilang galing sa Malikhaing Kasuotan, Kasuotang Panglangoy, Kasuotang Kaswal at Kasuotang Pormal. Narito po ang ating naggagandahang diwata:

•Diwata Number 1 – Nel Sayco na may stage name na Maxine Magalona

•Diwata Number 2 – Alexa Santillian na may stage name na Ivana Alawi

•Diwata Number 3 – Brian Garcia Talusan na may stage name na Kylie Versoza

•Diwata Number 4 – Oliver Pangalinan na may stage name na Jane De Leon

•Diwata Number 5 – Sam Batbung Morales na may stage name na Julia Barreto

•Diwata Number 6 – Clarence Marion T. Buendia na may stage name na Maria Venuz Raj

•Diwata Number 7 – Lester Jay Capili na may stage name na Melanie Marquez

•Diwata Number 8 – Casey Liway na may stage name na Iya Villania-Arellano

•Diwata Number 9 – Na may stage name na Zeinab Harake

Itinanghal din ang mga kasuotang pangkasal na para sa lalake at babae na gawa mismo ng mga miyembro ng ating MUÑOZ GAY AND HAIRDRESSERS INCORPORATED. Sa mga magsisingirog po na nais magpakasal may nagustuhan po ba kayo sa kanilang mga disenyo? Kung meron wag po kayong mahihiyang magtanong sa ating magagaling na designers.

 Binabati po naming ang mga nanalo sa ating minor awards:

•Best in Production Number

-Diwata Number 5

•Diwata ng Kasuotang Kaswal

-Diwata Number 1

•Diwata ng Malikhaing Kasuotan

-Diwata Number 3

•Diwata ng Kasuotang Panglangoy

-Diwata Number 1

•Diwata ng La Garcia Beauty Collection

-Diwata Number 1

•Diwata ng Glow Up Salon

-Diwata Number 1

•Diwata ng Nailandialuxe

-Diwata Number 9

•Diwata ng Nakamoda Botique

-Diwata Number 2

•Diwata ng Timeless Beauty

-Diwata Number 3

•Diwata ng La Modesto

-Diwata Number 9

•Diwata ng Salon H2O

-Diwata Number 7

•Diwata ng Kasuotang Pormal

-Diwata Number 9

Isang malugod na pagbati din po sa ating Top 5 na sina:

•Diwata Number 3 na si Brian Garcia Talusan

-bilang 4rth Runner Up

•Diwata Number 8 na si Casey Liway

-bilang 3rd Runner Up

•Diwata Number 9 na kilala bilang Zeinab Harake

-bilang 2nd Runner Up

•Diwata Number 1 na si Nel Sayco

-bilang 1st Runner Up

•Diwata Number 7 na si Lester Jay Capili

-bilang DIWATA NG KALIKASAN NUEVA ECIJA 2023

Nagpapasalamat po ang ating Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating supportive at napakagandang TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at ng ating SUPER VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ kasama ang MUÑOZ GAY AND HAIRDRESSERS sa pangunguna ni Mr. Hanz Olivar sa ating mga sponsor sa naganap na kompetisyon, sa mga board of judges, sa mga tabulators at sa lahat ng dumalo, tumulong at nakisaya sa ating masaya at nakakapanabik na programa. Amin din pong binibigyang pugay ang College for Research and Technology (CRT) sa inyong pagbibigay ng scholarship o cash assistance sa pag-aaral na nagkakahalagang Php 10,000.00 sa bawat semester sa ating naggagandahang kandidato.

 Buong buo ang pagsuporta ng ating mabait at mapagmahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa mga ganitong programa na para sa ating LGBTQ+ community dahil naniniwala siya na “All Human Rights are Gay Rights and All Gay Rights are Human Rights”.