Mabuhay ang patuloy at matibay na samahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 3 sa pangunguna ni Regional Director Geraldine M. Panlilio at ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pangunguna ng ating masipag at mapagmahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ.

 Naganap ang pagpirma sa MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) sa pagitan ng DOLE-R3 at ng ating Lokal na pamahalaan na tungkol sa pagpapatupad ng Government Internship Program (GIP) kung saan nakasaad sa nasabing MOA na gagawing public service and mga GIP interns sa pamamagitan ng pagsali sa mga programa, proyekto at serbisyo ng gobyerno, sa pamamagitan ng iba’t ibang GIP Partner Agencies.

 Mahalaga ang partnership na ito upang matiyak ang matagumpay na pagpapatupad ng nasabing programa at makamit ang kanilang ninanais na resulta.