Sagot na ni DOLE ang NEGO-KART at STARTER KITS, magtitinda ka nalang!

 Dalawampu’t limang (25) NEGO-KART at STARTER KITS mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) ang ipinamahagi nitong Oktubre 21, 2021 sa Bantug Gymnasium. Lubos ang kasiyahan ng mga napiling benepisyaryo kung saan ang pagpili ay may sinunod na GUIDELINES at QUALIFICATIONS upang masigurado na sila ay karapatdapat na mahandogan ng NEGO KART AT STARTER KITS.

Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. sa ating DOLE Provincial Director Ms. Maylene L.Evangelista, sa ating PESO Manager na si Ms. Mary Joyce D. Tambalque at sa lahat ng nagtulong tulong upang maisakatuparan ang pamamahaging ito at sa lahat ng dumalo sa programa.

 Bawat isang NEGO-KART ay may kasamang STARTER KIT na naglalaman ng mga sumusunod:

– 1 Nego kawali
– 1 Set ng kalan
– 1 Jag
– 5 kg ng hotdog
– 5 kg ng fishball
– 4 kg ng kikiam
– 5 kg ng squidball
– 3 pirasong sauce container
– 1 piraso ng hairnet
– 1 pack ng facemask
– 1 kg ng asukal
– 2 litrong cooking oil
– 2 latang pineapple juice
– 1 sandok