Tatlong daan at limampu (350) na benepisyaryo ng Tulong Pangkabuhayan Para sa ating Disadvantage at Displaced Workers ang nakatanggap ng kanilang cash allowance na nagkakahalagang apat na libo at dalawang daang piso (Php 4,200.00) nitong Nobyembre 5, 2020 sa Science City of Muñoz Pag-Asa Gym. Ang proyektong DOLE TUPAD ay isang community based package of assistance na nagbibigay ng emergency employment ng sampung araw sa mga displaced workers, underemployed at seasonal workers.

Ang pamamahagi ay pinangunahan ng mga tauhanng DOLE Nueva Ecija Field Office, Palayan City at ng Public Employment Service Office (PESO) ng Lungsod. Ayon kay Gng. Mary Joyce Tambalque ng PESO Science City Of Muñoz, ang proyektong ito ng Department of Labor and Employment (DOLE), Akbayan Partylist, CIBAC Partylist at Angkla Partylist ay may layunin na matulungan ang mga mahihirap.