Ang DOLE TUPAD ay isang programa ng pamahalaan upang matulungan ang ating displaced o disadvantaged workers. Ang cash-for-work program na tinawag na TUPAD nang DOLE ay ginagamit ng lokal na pamahalaan nang iba’t ibang bayan at lungsod upang isang emergency employment program.

Apat na libo at dalawang daang piso (Php4,200.00) bawat isa ang ipinamahagi sa 102 na benepisyaryo ng programang TUPAD sa pangunguna ni Ms. Justine Salas ng Department of Labor and Employment (DOLE), Provincial Office at ni Ms. Mary Joyce Tambalque ng Public Employment Service Office (PESO) nang lungsod.