Mabuhay GP Partylist sa pangunguna ni Cong. GP Padiernos sa inyong walang sawang pakikiisa at pagtulong sa mahal nating lungsod ng Science City of Muñoz at mga mamamayan nito. Isa po kayong biyaya para sa amin sapagkat naganap pong muli ang pamamahagi ng 4,500 sa 304 benepisyaryo ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ng GP Partylist sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating walang katulad at nagiisang TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at Public Employment Service Office (PESO) sa pangunguna ni Ms. Mary Joyce Tambalque nitong January 13, 2023.

 Naglinis sa loob ng sampung (10) araw sa iba’t ibang bahagi ng ating lungsod at ng bayan ng Talugtog ang mga benepisyaryo mula sa parehong bayan. Ang masugid na pamimili ay may sinunod na GUIDELINES at QUALIFICATIONS upang masigurado na sila ay karapatdapat sa programang ito.

 Mabuhay po tayong lahat!