Ang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ay isang community-based package na tulong . Sa tulong na ito,  nagbibigay ang pamahalaan ng trabaho para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, kulang sa trabaho,  at mga taong panapanahon ang trabaho. Ito ay nagaganap sa loob ng sampung (10) araw, ngunit hindi lalampas sa tatlumpong araw (30), depende ito sa uri ng trabaho.

 Masasayang mga mukha ang nahantungan natin sa naganap na payout o pamamahagi ng Php 4,500.00 bawat isa sa 96 na benepisyaryo ng DOLE TUPAD ngayong araw, Agosto 4, 2022 ng Department of Labor Employment TUPAD Nueva Ecija Field Office sa pangunguna ni Ms. Estrella De Lara at ng ating Public Employment Service Office (PESO) sa pangunguna ni Mary Joyce Tambalque.

 Ang mga nasabing benepisyaryo ay naglinis ng 10 araw sa kanilang mga kanya kanyang itinalagang lugar at kapalit nito ay sila ay ginawaran ng halagang Php 420.00 kada araw. Ang masugid na pamimili ay may sinunod na GUIDELINES at QUALIFICATIONS upang masigurado na sila ay karapatdapat sa programang ito.