Isang mapagpalang araw po sa ating lahat! Buong kagalakang tinanggap po ng ating Lokal na Pamahalaan ang donasyon na Pantoprazole sodium o Macproto 40mg at Cefuroxime sodium o Congloxime mula sa MA Conglomo Med Corp.

Lubos ang pasasalamat ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., dahil ang mga gamot na ito ay malaking tulong para sa ating mga kababayan! Pinangunahan ni Ms. Anna Grace F. Magno, representative ng corporation ang pamamahagi. Sa mga mamamayan ng Muñoz, nawa’y ang bayanihan at pagtulong ang umiral sa ating mga puso hindi lamang sa panahon ng pandemya kung hindi sa mga darating pang mga araw.