Ipinapaabot po ng ating local na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez ang taus pusong pasasalamat sa Samahan ng OFWs, Government and Private Sectors Employees ng Barangay Villa Nati sa pangunguna ni Gng. Maribel Natividad sa kanilang tulong pinansyal sa halagang Php20,000.00 na agad ipinamili kasama ng mga ilalaman sa ipamimigay na relief packs na nakalagak at patuloy na iginagayak sa ating city gymnasium.

Gayundin kay Ms. Catherine Sy sa 50 cavans (25 kls/cavan) na bigas na tulong din sa mamamayan ng ating lungsod.

Muli, maraming salamat po at God bless!