Para sa mabisang pagpapatupad ng programa at proyekto ng S & T (Science & Technology) sa probinsiya, ang Department of Science and Technology (DOST) Region III sa pamumuno ni Dr. Julius Caesar V. Sicat, CESO III at Provincial S & T Center ng Nueva Ecija sa pamamahala ni Ms. Leidi Mel Sicat, OIC-Provincial Science and Technology Director ay nag donate ng Bio Gas Digester para sa Science City of Munoz Slaughter House. Ang naturang digester ay isang airtight na sisidlan na nilalagyan ng organic na material tulad ng dumi ng hayop, basura sa agrikultura, food waste at marami pang iba upang makagawa ng biogas. Ang biogas ay magagamit na panggatong o enerhiya sa Scalding Trough ng slaughter house.

Ayon kay Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., ang naturang proyekto ay malaking tulong sa pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz. Isa si Dr. Jerry A. Rigos, pinuno ng City Veterenary Office ang dumalo sa pagpirma ng naturang Memorandum of Agreement (MOA).