Para sa patuloy na pagunlad ng Science City of Muñoz!

 Naganap nitong Agosto 25, 2022 ang isang courtesy call sa pagitan ng DSWD Provincial Extension Office (DPEO) Nueva Ecija sa pangunguna ni Rowena T. Balingit, SWO IV at ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ.

 Dumalo sa nasabing courtesy call sina Ms. Hannah Pamela Alamon, IPDO; Mr. Andy Del Rosario, CCVO; Mr. John Carlo C. Alberto; SWO III; Mr. Jhomel Dela Cruz, ADAS MRB at iba pa.

 Sa pamamagitan ng courtesy call na ito ay mas napapaigting ang pagkakaisa at pagpapaganda ng mga programa sa ating lungsod. Nagbigay ang team ng technical assistance sa City Inter-Advisory Committee para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na pinangunahan ni Ms. Gabriela B.  Fernandez, CSWD Officer.

 Inaasahan po namin ang isang tuloy tuloy at matagumpay na mga programa at pagkakaisa sa pagitan ng bawat partido.