TYPHOON KARDING ang naging pangunahing paksa sa naganap na pagpupulong para sa Pre- Disaster Risk Assessment (PDRA) nitong Setyembre 23, 2022 sa pangunguna ng ating City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) na pinamumunuan ni Engr. Josefino F. Correa at ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ.

 Samantala, Shelter Plan, Resettlement Action Plan, Update on 100 days Executive Agenda in Housing, PCUP-Pre Demolition Conference, Critical Next Step on Housing at iba pa ang mga naging pangunahing paksa sa kasunod na pagpupulong ng Local Housing Board sa pangunguna ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at ni Mr. Joel Fernandez ng CPDO.

 Patuloy nating pagbutihin ang pagbibigayan ng mga ideya at opinyon para sa lalong ikagaganda ng ating serbisyo sa mga mamamayan ng ating lungsod. Mabuhay Muñoz!