Trivia: Tumutukoy ang DRUG CLEARED BARANGAY sa mga Barangay na inuri bilang dating apektado ng droga kung saan isinailalim sa isang drug clearing operation, at kalaunan ay idineklara bilang drug free mula sa anumang aktibidad ng ilegal na droga, alinsunod sa mga parameter na itinakda sa DDB Board Regulation No. 3, serye ng 2017.

 Ngayong araw ang Barangay POBLACION EAST at Barangay MALIGAYA ay idineklara bilang isang DRUG CLEARED BARANGAY.

 Nais ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ na magtuloy-tuloy na malinis laban sa DROGA ang ating bayan. Lubos po ang aming pasasalamat sa ating mga masisipag na police officers na nagpapatupad ng aitng mga patakaran at syang sumusugpo sa droga.

 “Droga ay iwasan para sa masaya at masaganang kinabukasan”