Naganap ang Barangay Drug Clearing Program Re-Orientation Seminar sa PNP Gymnasium nitong Oktubre 8, 2019 kung saan ang mga pangunahing bisita ay ang mga kapitan at mga sekretarya ng barangay. Tinalakay sa nasabing seminar ang mga bagong kinakailangan para masabing drug cleared ang isang barangay.

Si Hon. Celso Eugenio ng Barangay Calabalabaan ang nanguna sa pagdadasal, samantalang si PLTCOL Jaime B. Quiocho Jr. na Officer-In-Charge ng PNP ang nagpanimulang pagbati. Nagroll call naman si Hon. Alexander Natividad, ABC President ng mga dumalo sa Orientation Seminar. Si Coun. Rodney S. Cabrera, bilang kitanawan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. at ang Provincial Officer Investigation Agent V na si Christopher S. Macairap ng PDEA Nueva Ecija, ay nagbigay ng mensahe. Ang nagbigay panayam o lecture naman ay ang Assistant Provincial Officer na si Investigation Officer III Jenlyn R. Abejuela at si Hon. Crismelito R. Catacutan, CLGOO VI.

Kabilang sa mga dumalo sina Mr. Emmanuel Bustamante, Mr. Vincent L. Alvarez, Coun. Jerry Fulgencio, at ibang mga tauhan ng PNP Muñoz.