Nagtagisan ng husay at galing ang mga mag-aaral sa lungsod para sa ginanap na Drum and Lyre Competition na pinangunahan ng DepEd Muñoz kahapon, January 20, 2020.

Nilahukan ito ng labing-tatlong paaralan mula sa Elementarya, ang Bantug Elementary School, Rang-Ayan Elementary School, San Felipe Elementary School, Calisitan Elementary School, DepEd CLSU Laboratory Elementary School, Muñoz Central School, United Methodist Church Learning Center, Linglingay Elementary School, Palusapis Integrated School, Curva Elementary School, San Antonio Integrated School, Villa Cuizon Elementary School at Muñoz North Central School.

Sa huli, nasungkit ng Muñoz North Central School ang 1st place, DepEd CLSU Laboratory Elementary School naman ang nakakuha ng 2nd place at 3rd place ang Muñoz Central School.

Mag-uuwi ng ₱40,000 cash prize ang nanalo ng 1st place, ₱30,000 cash prize para sa nanalo ng 2nd place at ₱20,000 cash prize ang iuuwi ng 3rd place.

May nakalaan namang ₱10,000 consolation prize each para sa mga grupong hindi nanalo sa kompetisyon.

Nagsilbing hurado sina Mr. Julito C. Cruz, Mr. Edgar Villajuan at Mr. Jonathan Cordero.

Dumalo sa nasabing kompetisyon si Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D upang personal na igawad ang sertipiko sa mga grupong nanalo kasama sina Coun. Henry G. Agaloos, Coun. Herminio F. Salcedo, Dr. Dante G. Parungao, CESO VI – OIC Schools Division Superintendent, Mr. William Roderick R. Fallorin – Asst. Schools Division Superintendent at Dr. Larry B. Espiritu.