Kaagapay ng ating masipag na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang Department of Social Welfare and Development Regional Office sa pagsubaybay sa ating City Social Welfare and Development Office upang tulungan sila sa paghahatid ng iba’t ibang programa na lubos na makakatulong at nakakatulong sa ating minamahal na taong bayan.

 Dekalidad na serbisyo! Para sa minamahal naming kalunsod! Yan ang pangunahing prayoridad ng ating TITA MAYORA BABY ARMI.

 Ikinalulugod ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating masigasig na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at ni VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ ang pagbisita ng DSWD-Regional Office sa pangunguna ni Ms. Melanie Barnachea kasama sina Mr. Jerome Santos, Mr. Kevin James Roque at Ms. Manilyn Cruz nitong Oktubre 20, 2022 para sa isang courtesy call at accredidation.

 Hindi nagsagawa ng akreditasyon upang suriin ang rango ng Lokal na Pamahalaan sa kanilang pagseserbiyo kundi para matulungan ito na matukoy ang mga areas na kailangan ng pagpapabuti at upang gumawa ng kongkretong aksyon upang mas mapahusay na maipatupad ang mga Social Welfare Service sa ating mga mamamayan. Kabilang sa mga tinalakay ang Program Management, Administration and Organization at iba’t ibang proyekto ng CSWDO.

 Sisiguraduhin ng ating pamahalaan at ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ na walang katulad na serbisyo at kalidad ang patuloy maihahandog sa ating mahal na mamamayan.