Trivia: Ang Negosyo Center Program ay responsable para sa pagsusulong ng kadalian ng paggawa ng negosyo at pagpapadali ng pag-access sa mga serbisyo para sa Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs). Ang Republic Act No. 10644 o mas kilala sa tawag na “Go Negosyo Act,” ay naglalayong palakasin ang MSMEs upang lumikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho sa bansa.

 Naganap ang isang courtesy call sa pagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) Negosyo Center ng Muñoz sa pangunguna ni Ms. Maneliza L. Briones-Romero, Business Counselor at ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ngayong araw, Agosto 1, 2022.

 Pangunahing paksa ng nasabing courtesy call ay ang gaganaping Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) Program Awarding Kits tulad ng mga Sari-sari store at bigasan kits.