Naganap ang paglulunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) Livelihood Seeding Program-Negosyo Serbisyo sa Barangay at paggawad ng Livelihood Starter Pack sa limang (5) benepisyaryo na pinili sa Barangay Pob. East. Ang pamimili ay isinagawa ng may sinunod na guidelines at criteria upang masiguradong sila ay karapat dapat na mahandugan ng Bigasan Starter Kits na nagkakahalaga ng Php 8,000.00.
Nagkaroon din ng Entrepreneurship at DTI 7M’s ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) Development Seminar sa mga Barangay Development Council na pinamumunuan ni PB Cesar T. Viloria Jr., sa mga LSP-NSB Beneficiaries at sa iba pang mga potensyal na mga negosyante na dumalo sa nasabing programa.
Nagpapasalamat ng lubos at taos puso ang Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. sa Department of Trade and Industry (DTI)- Nueva Ecija na pinangungunahan nina OIC-Provincial Director Richard V. Simangan, Ph.D, STIDS Micko Roa L. Dela Cruz at BC Maneliza B. Romero sa pagkakaroon ng mga ganitong programa na nakakatulong sa ating mga minamahal na mamamayan. Mabuhay at mapagpalang buhay po sa inyong lahat!