Talaga namang nakakamangha ang talento ng painter na ating ipapakilala!

Akala niyo ba’y mga litrato ang inyong nakikita sa post na ito? Hindi po! Ito ay ipininta lahat ng ating napakahusay na Muñozonian painter na taga Barangay Linglingay na si Emel Espiritu!

Ang uri ng mga painting na kanyang nililikha ay maibibilang sa kategoryang “hyperrealist artworks”. Kadalasan, ang mga obrang nasa kategoryang ito ay napagkakamalang litrato dahil maski sa pinakamaliit na detalye ay kitang-kita na tila ba nakuhanan ito gamit ang isang kamera.

Tunay na nakakabilib ang husay at galing ng ating mga Filipino artist! Naririto po ang ilan sa mga tanyag na obra ni Emel Espiritu kung kayo po ay kaparehas na rin namin na talaga namang bilib na bilib sa kanyang angking galing!

(Lahat po ng litratong ito ay nanggaling sa kanyang FB account)